Polo y servicio was a practice employed by Spanish colonizers for over 250 years that required the forced labor of all Filipino males from 16 to 60 years old for 40-day periods. The workers could be placed on any project the Spanish wanted, despite hazardous or unhealthy conditions. It was not only Filipinos but Chinese mestizos as well who were forced to do polo y servicio.
The word polo refers to community work, and the laborer was called polista. The community projects included cutting logs in forests, building ships, repairing churches, as well as constructing government buildings, roads and bridges. The only way to avoid being forced to do polo y servicio was to pay the falla, which was the equivalent of one and a half reales per day. In 1884, the forty days of forced labor was reduced to 15 days.
Negative Effects of Polo y Servicio
The Philippines acted as the epicenter of the Spanish Galleon trade from Manila to Acapulco, which was so prosperous for Spain that it neglected to consider and develop the colony’s local industries. The Filipino people were agriculturally based and grew crops, not only for profit, but also for their own diet. Aside from injuring and killing many Filipino males, the polo y servicio crippled the ability of the Filipinos to feed themselves, causing hunger and frustration and leading to numerous rebellions.
PALIWANAG SA TAGALOG
Noong panahon ng mga Kastila, ang mga kalalakihang Pilipino at mestisong Chino na naninirahan sa Pilipinas ay sapilitang pinapatrabaho ng gobyerno sa mga proyekto para sa kapakanan ng komunidad. Ang tawag doon ay polo y servicio. Ayaw na ayaw ito ng mga Pilipino at mestiso dahil hindi sila binabayaran sa kanilang trabaho. At habang naninilbihan sa gobyerno ay mahirap asikasuhin ang kanilang sariling mga gawain, tulad ng pag-aararo sa bukid at iba pa.
Halimbawa: Kung nais ng gobyernong magtayo ng gusali o gumawa ng bangka o tulay, kukuha sila ng mga Pilipino at sasabihin kailangan nilang gawin iyon nang walang bayad. Ang mga maperang Pilipino at Intsik ay hindi kailangan manilbihan basta’t magbabayad lang sila sa gobyerno ng tinatawag na falla na ang katumbas ay 1.5 real bawat araw ng 40. Ang total niyan ay 60 reales na hindi maliit na halaga. Noong taong 1884, ang bilang ng mga araw para sa polo y servicio ay binawasan mula 40 at naging 15 araw. Ang falla para doon ay 22.5 reales.
Lahat ng kalalakihan mula sa gulang na 16 hanggang 60 ay kinailangang makilahok sa polo y servicio. Kung ngayon ito gagawin, malamang ito ay tatawaging free labor o civil conscription sa Ingles. Karamihan sa conscription na nangyayari sa mundo ngayon ay hindi civil conscription kundi military conscription (“draft”). Halimbawa, sa bansang Denmark, ang lahat ng kalalakihan na umabot sa gulang na 18 ay kailangang manilbihan sa militar ng 4 hanggang 12 buwan — isang beses lang sa kanilang buhay. Ito ay serbisyo para sa kanilang sariling bansa at hindi para sa sinumang mananakop.