karl summary edited

Sr. Lida – ang aking nakita at nadama sa ipinalabas, ang karanasan ay mayaman ng ibang kasama sa IPs na lalong patibayin ang aking commitment sa IP, sa kanilang mga hinaing karanasan at mismo sa pag-uugat ng sarili bilang Pilipino. Sila ang dinaluyan mula sa light, gospel, Jesus. Na recall ko ang experience ko sa Marag valley noong 1980s. Yun ang experience ko sa Isneg at Aggay na nandoon pa din, naging inspirasyon ko. Mga negative experience ng IPs that time ng militarization, bumabalik sa akin ang ganoong imagery sa aking pagtulog, minsan sa experience din. Iyon ang nagpapatibay sa akin at pinanghahawakan ko ngayon para tumibay pa ang aking commitment. Iyon ay hindi nanggaling sa aking sarili kundi sa Diyos.
Hindi ko maramdaman/indahin ang sakit ng tuhod sa paglalakad ng malayo sa Bais. Pero kung sabihin kong nakakapagod na, nawawala na ang aking inspirasyon. Pero kung nakikiisa ako sa crucified crhrist kaya nandito pa ako nakikiisa sa mga katutubo.

Fr. Pete: ito ang isang naging gabay ko sa aking buhay. Tuwing tayoy nagsasama-sama akoy naeenergize.

Karl: isa sa mga salita na lumitaw sa iilan na pagninilay/naibahagi captured very distinctly sa isang improvisation na ginawa ng isang grupo, yung lahat sila nakasakay sa habal-habal. Ito ay very common as we go up to the uplands. Itong image na ito ay nagsasaad ng paglalakbay. Ang ating buhay ay isang paglalakbay na nagpapatuloy hanggang ngayon. Karamihan sa atin na hindi naman IP na naging bahagi ng IPA, hindi na nga nakaka-attend ng convention, and some of us who are still with us, we all share this particular journey. As we go up to the uplands where still majority of IPs still lives, kahit marami na umaalis, nadi-displace dahil sa mining, logging, it involves sacrifice. As we go up there are two distinct ____: as you journey there are sacrifices and rewards.
Meron ding kaligayahan/kasiyahan/tuwa kung tayo ay nagiging kabahagi sa pagsasabuhay ng IPs. Among the communities of IPs, to some extent, kung hindi pa siya masyado exploited/fragmented, nagsasaad sa atin na ang kalikasan ay mas maganda kung i-compare mo sa pollution/nasira na sa kalikasan sa lowlands. The water flows well/abundantly. The resource of water is under threat. There is growing concern how to deal with this problem. It has become a very scarce resource. Ang yaman ng kultura at kalinangan ng katutubo ay mas buhay sa uplands. Water as a symbol was very clear sa presentation ng group.

Biktima pa rin tayo sa historically nngyari, kung saan meron pa ring biases or prejudices. We manifest a certain dislike, intolerance, hatred to the people we want to serve. Because of the sacrifice, including the physical sacrifice, while we are assigned there, there is a particular attitude of indifference.

Lets look at water that brings in perfume. Sa tingin natin in terms of actual symbols there are very rich symbols that constitute the reality of life of IPs. Land, nature, water which are very much symbol of life. Bukod pa dito meron pa symbols of everyday existence dahil na rin sa kalinangan at kultura ng katutubo na nasa kanilang sayaw, kanta, ritwal, pagtingin sa kapwa at sambayanan. Dahil dito, the rewards that come to us very much connected to oneness in nature and the spirit in nature, creating a lot of enrichment.

Along the way nakikita din natin na sa pagtingin natin sa nature, may dagdag pa din na pagpapalalim ng simbolo na nakakatulong sa ating pagtingin kung ano ang hamon na tinatanggap ng sa ganoon ay magpapatuloy ang journey. Bawat hamon tulad ng puno ay may ugat, dito nakaugat ang rootedness of IP people continue to be sustained. The mre meaning ful the land is. All of this is very much the sacred space and yet tne sacredness of how people deal with nature are manifested in ordinary symbols in their lives. Mga bukal ng pagninilay na nakakadagdag sa … you have words like liwanag, kapwa. Dahil may sense of kapwa may sense of pagbibigayng sarili sa kapwa. The notion of commonality and therefore of community is a lot more heightened in this kind of situation, the community of nature, like the community of trees in the forest, the community of peoples within the tribal alliances. Ito ay tumatatag, lumalalim, it creates a sense of great opportunity. Dahil malakas ang pagtingin sa kapakanan ng kapwa.

Another word that came out, ang mga pakay, tungkulin ay napakalakas sa consciousness ng mga taong nakaugat ng sambayanan ng tribo. Ang lahat ng ito ay masasabi nating mahiwaga. Kung ang puno ay nagbibigay ng yaman, at ang puno ay bumubuo ng kagubatan, at ang kagubatan ay yman ng sambayanan. Napakamahiwaga nito dahil hindi madaling intindihin ang kabuuan ng kahulugan nito. Subalit sa kabilang banda, may malakas na paghatak ang kabihasnan. Kaya ang kabihasnan ay yaman din. Kaya ang kayamanan ng mineral resource ay nakakaakit din. Hindi nakikita ang mas importante pa yaman ng kalikasan, kung ang pagtingin ay capitalism, individualism.

Napakalakas din ng pagtingin natin sa ugnayan, sa salitang lumitaw, sa pag-uugnayan andiyan ang pag-usbong nito, pag-angat nito. Sa pag-angat lalong tumitingkad ang kulay.Ang lahat ng ito ay nagbibigay sa atin ng rewards, it enriches us. It allow us a greater insight into greater intertwining of culture and reality.

There is also a response to the consciousness of a deeper appreciation. Gratitude is the memory of the heart. When we respond naturally it comes out in songs. Kaya kanina maraming kanta. Ang kanta nagpapahiwatig ng Gospel values natin. Lahat ng ito, an gating paglalakbay ay tungo sa pangarap, pangarap upang marating ang langit. Merong convergence in terms of symbols in which we want to bring ourselves into. Wheter it is the skyworld myth, or our concept of going into heaven, its some kind of direction to which this journey will bring us. This journey nagbibigay sa atin ng inspirasyon, katatagan even as we go along the way merong rewards and sacrifices.

Advertisements